Sunday, February 19, 2012

SINO ANG PANALO?


Basahin: Acts 20:35

"DaWORdz:
  In everything that I showed you that by working hard in this manner you must help the weak and remember the words of the Lord Jesus, that he Himself said, ``It is more blessed to give than to receive``.

Muni-muni:

Ang sarap talaga makakuha ng mga bagay na libre.  Gaya ng mga give-away sa parties, special offer sa groceries, free taste-test ng mga pagkain, libreng sabon pag bumili kang tatlo, pati na rin ang libreng sipilyo pag binili mo ang pinakamalaking size ng toothpaste. Kapag may libre, panalo!
Ganito rin ba ang nararamdaman natin kapag tayo naman ang nagbibigay ng libre? Masaya ba pag tayo naman ang nag-aabot? Magaang ba naman kung tayo ang nambabalato? Sumisikip ba ang bulsa pag may nagdidilhensiya? Minsan talaga, mas nararamdaman natin na ``mas bumibigat pag nababawasan``.


Tara-Lets!:
Ano nga ba ang pananaw ng ating Panginoong Hesus. Sabi niya, mas blessed magbigay kaysa tumanggap. Bakit nga ba? Dahil sa ating pagtulong, tayo ay nakakapag-pasulong. Sa ating pagbitaw nang atin, tayo naman ay umaabot ng iba. Dahil sa pagsikip ng ating bulsa, may mga buhay tayong kaunting napapaginhawa. At sa ating awa, never tayong magiging kawawa sa mata ng Diyos ama. Sa ating pagbibigay, tayo nga talaga ang blessed. Tayo ang panalo. 

No comments:

Post a Comment