Friday, February 17, 2012

KONTRABIDA

Basahin: Acts 5:38-39


"DaWORDZ":
Therefore in the present case I advise you: Leave these men alone! let them go! For if their purpose or activity is of human origin, it will fail. But if it is from God, you will not be able to stop these men; you will only find yourselves fighting against God.

Muni-muni:
Kontrabida. Ang role na madalas kinaiinisan ng mga manunuod. Dahil kung sa telenobela, trabaho ng kontrabida ang palaging makialam, magkaron ng masasamang balak, at gumawa ng mga paraan at plano para mapigilan ang mga kilos ng bida. Parang katulad ng mga Pariseo sa buhay ng mga apostoles. Gagawin nila ang lahat para mapigilan ang gawa ni Pedro, pati na ang mga kasama niyang nagtuturo ng mabuting balita. Ang galing-galing nilang kumontra. Pang-famas talaga!
Pero kung tutuusin, sa teleserye naman ng buhay natin, marami din tayong pagkakataon na nagiging ganito tayo. Talo pa natin si Pacquito Diaz, Odette Khan, o gladys reyes sa pagka-kontra bida. Lalung-lalo na sa mga oras na nakakasakit tayo ng damdamin ng tao, nagpupumilit tayo ng opinyon o kaya'y pinangungunahan natin ang mga bagay para mangyari ang gusto natin.EPAL daw...ayon sa mga kabataan.Pero tulad din ng telenobela, lahat ng kontrabida ay natatalo. Kaya't hindi lahat ng panahon ay may eksena tayo. Sa tunay na buhay, may cut, breaktime at take 2, upang tamain ang mga nagagawang palpak.


Tara-Lets!:
Sabi sa Bibliya, ano mang bagay o pangyayari na di kaloob ng Diyos ay di uubra. Hindi umubra ang mga balak ng mga Pariseo kaya't nagpatuloy ang pagtuturo ng mga apostoles ng salita ng Diyos. Bakit?? Dahil Ito ang ninais Niya noon para sa atin hanggang ngayon. Lahat ng kalooban Niya ay magkakaron ng magandang resulta! Magkapit-bisig man tayo, tumulay sa alambre, humiga sa harap ng pison at magmistulang people power; matutuloy pa rin ang tinakda ng makapangyarihang Diyos. Sabi nga nila..."walang KOKONTRA!" Si Lord ang palaging BIDA!

No comments:

Post a Comment