Thursday, February 16, 2012

EMERGENCY!!!

Basahin: Nehemiah 4-6


"DaWORdz":
“so I sent messengers to them, saying, I am doing a great work, so that I cannot come down.  Why should the work cease while I leave it and go down to you?” (Nehemiah 6:3)

Muni-muni:
Ang salitang emergency ay gamit na gamit sa ibat-ibang klaseng rason sa lahat ng klaseng sitwasyon. Kung kailangang mag-absent sa trabaho, “may emergency”. Kung kailangang umiwas sa ka-appointment, “may emergency”. Kung ayaw sumama sa lakad, ano pa nga ba..e di “may emergency”. Talaga bang parati nalang may emergency ang buhay na nakakapraning? Anu-ano nga ba ang mga tinuturing nating emergency? Ito ba yung mga bagay at sitwasyon na dapat na bigyan ng agad napansin o ito ba ang mga bagay na umaagaw ng pansin sa mga tunay na importante sa buhay natin.
Tara-Lets!:
Gusto man o ayaw natin ang mga emergencies ng buhay, tayo talaga ang pipili, tayo ang kikilos, tayo ang magtitimbang kung gaano silaka-importante. Naging madali kay Nehemiah kung ano talaga ang mahalaga nung tinanggihan niya ang imbitasyon ng ibang tao para tapusin ang inutos ng Diyos. Malinaw sa kanya kung ano ang dapat unahin. Inuna niya kung ano ang importante sa Diyos.
Kung tutuusin, marami talaga ang “demands” ng buhay. Pero magiging madali sa atin kung ano ang dapat unahin kung alam natin ang puso ng Diyos sa sitwasyon.  Dahil sa kanya, walang emergency.Nasa mga kamay Niya ang oras ng ating mga buhay. Kung tayo ay makikinig at susunod sa Diyos, wala na tayong ikababahala. Wala nang rason, wala pang praning, wala ding emergency.

No comments:

Post a Comment