Tuesday, March 6, 2012

“Pumapadrino”

Basahin:Nehemiah 1:11 and 20

"DaWORDZ": 
…I pray, grant him mercy in the sight of this man
…The God of heaven Himself will prosper us, therefore we his servants will arrive and build.  

Muni-muni:



Masakit man isipin, karamihan ng mga tao, mahirap man o mayaman ay mahilig pumadrino. Siya nga naman, mas convenient at madali pag may koneksyon. Masarap sumabay sa taong may kapangyarihan, kumapit sa lider na tinitingala, o kaya’y mangaibigan ng taong may katayuan sa buhay. “Mas may pabor pag may areglador”. 
Pero champion din itong si Nehemiah. Alam niya kung kanino siya lalapit at hihingi ng tulong. Pwede ngang kailangan niya ang tulong at pabor ng hari, pero nauna niyang lapitan ang ULTIMATE FIXER. Ang Diyos!!!






Tara-Lets!:
Araw-araw, nangangailangan tayo ng tulong, kaagapay, at pabor sa ating buhay.
 Meron tayong transakyon, papeles, grades at trabaho na dapat asikasuhin. Totoo ngang mas mabilis ang proseso kung “may mag-aasikaso”. Pero ang mga bagay na ito ay makukuha sa malinis at maayos na paraan. Kung tayo’y magdadasal para sa pabor ng Diyos, pumapadrino tayo sa pinaka makapangyarihan sa lahat. Di natin kailangang ipaareglo kay ninong, kay Kap, kay bossing at kung kanino mang nag-aala-Marlon Brando o Al Pacino ang mga kailangan natin. Meron tayong Diyos na hawak at kontrol ang lahat ng tao at sitwasyon. Kaya’t siya lang ang…Astig! The ultimate God-Father!



No comments:

Post a Comment